Maraming naapektuhan, maraming nawalan ng kabuhayan, ng tirahan at maging mga mahal sa buhay. Sa lupit na dala ng bagyong ito, talagang malaki ang naging pinsala nito sa sa buong Luzon.
Ika-26 ng Setyembre ng nakaraang buwan, dumaan na naman tayo sa isang trahedya sa ating buhay: ang pagdating ni bagyong Ondoy. Isang arwa lang siya dumaan at nagpadanas ng kanyang bagsik sa mga mamamayang Pilipino ngunit ang kanyang iniwan ay isang panghabang buhay na pangyayari na hindi natin malilimutan lalo na sa mga taong lubhang naapektuhan. Hindi na maibabalik ang mga nakitil na buhay, mahirap nang magsimula ng panibagong kabuhayan at maghanap ng panibagong matitirahan. Wala talagang pinatawad ang hagupit na hatid ni Ondoy, kahit sino ka pa, anu man ang estado mo sa buhay: ordinaryong tao man o hindi, artista, pulitiko o kahit wala ka mang ginagawa basta bagyo lahat ay kanyang idadamay.
At kahit sa aking karanasan sa hagupit ni Ondoy, unang beses kong sumulong sa mataas na baha na hanggang bewang na walang kasiguraduhan kung saan man ito nanggaling. Marami ring naistranded sa aking mga kaklase, may ginabi na ng uwi, may nagpalipas sa ibang bahay at mayroon ding binaha ang loob ng tahanan. Sa awa ng diyos ay nakauwi naman kami sa aming mga bahay ng ligtas at walang napahamak. Kalunos-lunos din ang sinapit ng aming unibersidad ang University of Perpetual Help dito sa BiƱan, Laguna, dahil sa tumaas na ilog sa tabi nito, inabot ito ng baha pati sa loob ng ospital, ang emergency room at maging ang maliliit na klinika sa loon ng unibersidad kung tatanawin mula sa itaas, makikita mo na lang ay ang mga bubong ng mga nkaparadang mga kotse.
Maraming namatay at nawawala na hindi pa rin nakikita hanggang ngayon. Mahigit dalawang daan ang kinuhang buhay ni Ondoy, kahit matanda man o bata ay wala itong pinatawad. Puno ang mga pampublikong paaralan na ginawang evacuation centers at kahit ang katabi naming simbahan ay naging takbuhan ng mga evacuees.
Iba na talaga ang mga Pilpino, sa kabila na dinanas na trahedya ng bawat isa sa atin ay nandyan pa ein ang mga taong may mabuting kalooban at bukas ang mga puso para tumulong sa mga nangangailangan. Nagsasagawa ng relief operation sa iba’t-ibang lugar na nasalanta ni bagyong Ondoy. Walang sawa ang pagbibigay ng tulong ng bawt isang Pilipino sa kapwa Pilipino at maging sa ibang parte ng mundo ay nagbibigay din ng tulong at nagpapaabot ng pagdamay.
Siguro naman hindi tayo hahantong sa ganitong uri ng trahedya kung hindi din dahil sa sarili nating kagagawan. Hindi magkakaroon ng mataas na baha kung hindi napupuno ang mga ilog at lalo na ang Laguna de Bay dahil sa walang tigil na pagtatapon ng basura. Ang landslide o pagguho ng lupa sa mga matataas na lugar katulad ng mga bundok ay sanhi ng walang pusong pagpuputol ng puno na hindi man lang pinapalitan. Ang mga buhol-buhol na kable ng kuryente sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay sanhi ng hindi agad pag-ayos ng may responsibilidad dito kaya’t pagdating ng ganitong kalamidad marami ding napapahamak.
Hindi naman natin masisi ang kalikasan kung bakit nangyari sa atin ang ganitong matinding kalamidad. Tayo din ang kasalanan kung bakit sa atin ito nangyayari. Dapat tayong maging handa sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, dapat din tayong matuto na hindi sa lahat ng oras magagawa natin ang ating gusto ang paglapastnagn sa ating inang kalikasan. Atin itong alagaan dahil kung hindi, mararansan ulit natin ang pambihirang pag-ganti ng kalikasan.
pinagalitan ako na tatay dahil nagpumilit akong pumasok muntik na akong hindi makauwi.
ReplyDeleteno choice lumusong ako sa baha na hanggang bewang..